Paligsahan ng pagkanta ng awit na Tsino, idinaos sa Biyetnam
(GMT+08:00) 2016-09-26 11:35:57 CRI
Sa pagtataguyod ng Confucius Institute sa Hanoi University ng Biyetnam, idinaos Sabado ng gabi, September 24, sa Hanoi ang final ng unang paligsahan ng pagkanta ng awit na Tsino. Kalahok dito ang 11 estudyanteng Biyetnames.
Ang naturang paligsahan ay huling aktibidad ng 2016 Chinese Culture Week at Confucius Institute Day ng Hanoi University.