Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdiriwang ng Embahada ng Tsina, matagumpay na idinaos

(GMT+08:00) 2016-09-28 16:29:20       CRI

Pangulong Duterte, nakatakdang dumalaw sa Tsina

INAMIN ni Ambassador Zhao Jianhua sa panayam ng mga mamamahayag pagkatapos ng kanyang talumpati na nag-uusap na ang Tsina at Pilipinas sa napipintong pagdalaw sa Beijing ni Pangulong Duterte.

Bagaman, sinabi ni Ambassador Zhao na napaka-aga pa upang ilabas ang buong detalye ng napipintong pagdalaw sa susunod na buwan. Idinagdag pa niyang magiging kapaki-pakinabang sa Pilipinas at Tsina ang higit na mainit na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Interesado umano ang Tsina na tumulong sa Pilipinas sa mga pangangailangan nito sa larangan ng transportasyon at maging sakahan.

Unang lumabas ang balita na dadalaw si Pangulong Duterte sa Tsina at Japan sa Oktubre. Ayon sa diplomatic sources ng CBCPNews, naghahanda na ang magkabilang panig sa pagdalaw subalit wala pang takdang petsa.

Sa panig naman ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nakatakdang dumalaw sa Tsina ngayong Miyerkules, sinabi niyang makabubuting tanungin na muna si Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. sa pagkakaudlot ng kanyang paglalakbay.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>