Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pahayag ni Pangulong Duterte, niliwanag ng kanyang mga kasama

(GMT+08:00) 2016-09-29 17:06:58       CRI

MAGKAKAROON pa rin ng war games na katatampukan ng mga kawal na Amerikano.

Lumabas sa mga balitang mula sa Viet Nam, sinabi ng kanyang mga pinagtitiwalaan sa mga mamamahayag na ang pagsasanay sa darating na Oktubre ay ang pinakahuli sa taong ito.

Unang lumabas ang balita na nabanggit ni Pangulong Duterte na ang pasasanay ang pinakahuli na sa pagitan ng mga Filipino at Americano. Sinabi naman ng isang opisyal na 'di naman niya narinig na nagsabi ng ganyan ang pangulo.

Sinabi ni Secretary Hermogenes Esperon na sa kanyang pagkakaunawa ay ito na ang pinakahuli sa taong ito. Ang paksa ay ang ika-33 pagsasanay sa Amphibious Landing Exercisse mula sa ikatlo hanggang ika-12 ng Oktubre sa pagitan ng mga kawal na Americano at Filipino.

Sinabi naman ni Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na wala siyang narinig na ganyan mula sa pangulo. Hindi umano siya makapaniwalang sinabi ni Pangulong Duterte ang bagay na ito.

Naunang narinig si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa may 600 mga Filipino workers sa Ha Noi na tatapusin na ang military exercises na kinatatampukan ng Estados Unidos. Pananatiliin lamang ang relasyon sa America dahil sa 1951 Mutual Defense Treaty.

Nabanggit din ni Pangulong Duterte na magkakaroon ng pakikipag-alyansa sa iba't ibang bansa sa larangan ng kalakal at komersyo at magkakaroon na naman ng war games na hindi naman gugustuhin ng People's Republic of China.

Ayaw lamang niyang mapahiya ang kanyang defense secretary kaya't itutuloy ang pagsasanay.

Nasabi naman ni Secretary Yasay na patuloy na kikilalanin ng bansa ang mga kasunduan sa Estados Unidos. Ang pagpapawalang bisa sa mga kasunduan ay kailangang sangayunan ng magkabilang-panig.

Ipinaliwanag ni Secretary Yasay na hindi basta mapapawalang-saysay ang mga kasunduan base lamang sa desisyon ni Pangulong Duterte.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>