Idinaos kamakailan sa Singapore ng Singapore Chinese Chamber of Commerce (SCCC) ang seremonya bilang pagdiriwang sa ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa seremonya, hinangaan ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng bansang ito, ang mga ambag ng SCCC para sa pag-unlad ng bansa, harmonya ng lipunan at kasaganaan ng kabuhayan.
Ipinahayag naman niyang ang SCCC ay mahalagang partner ng pamahalaan sa pagbabago ng estruktura ng kabuhayan. Naniniwala aniya siyang patuloy na gagampanan ng SCCC ang mahalagang papel sa pag-unlad ng kabuhayan sa hinaharap.