|
||||||||
|
||
MAGHIHINTAY ang Department of National Defense ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pakikipagsanay ng Armed Forces of the Philippines sa kanilang American counterparts.
Ayon sa isang pahayag ng Department of National Derense, kakausapin ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana si Pangulong Duterte upang liwanagin ang mga impormasyon at humiling na rin ng kaukulang payo.
Ulad umano ng mga naunang pahayag, ang lahat ng mga kasunduan at tratado sa Estados Unidos ay may bisa pa.
Hinggil sa mga susunod na pagsasanay, kailangang maupo ang magkabilang-panig upang talakayin ang mahahalagang detalyes.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |