Sa ulat na ipinalabas kamakailan, binaba ng Asian Development Bank (ADB) ang tinatayang paglaki ng kabuhayan ng Biyetnam sa taong ito. Ang bagong bilang ay 6%, na mas mababa ng 0.2 kumpara sa pagtayang ginawa noong Abril ng taong ito.
Ayon sa ADB, mainam ang takbo ng kabuhayan ng Biyetnam, at nananatiling lumaki ang direktang pamumuhunang dayuhan, pautang sa loob ng bansa, at pagluluwas. Pero, ipinalalagay din ng ADB na maraming hamon din sa kabuhayan ng Biyetnam, na gaya ng mabagal na pagbangon ng agrikultura, at malaking utang na kinakaharap ng pamahalaan, dahil sa mabilis na paglaki ng pondong inilaan sa konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Liu Kai