Ayon sa pahayag na inilabas ng World Bank (WB) Miyerkules, Oktubre 5, 2016 sa Hanoi, inaasahang aabot sa 6% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam sa taong 2016.
Noong nagdaang Abril, ang nasabing target ay nasa 6.2%.
Ayon sa naturang pahayag, kinakaharap ng Biyetnam ang hamon ng pagbagal ng paglaki ng pambansang kabuhayan na dulot ng pagbagal ng paglaki ng bolyum ng pagluluwas, paglala ng di-balanseng pinansya, at malubhang isyu ng utang.
Ayon sa ulat ng WB, ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng bansang ito noong unang hati ng taong ito ay umabot sa 5.5% lamang dahil sa epekto ng malubhang kalamidad ng tag-tuyo sa agrikultura at pagbagal ng pag-unlad ng industriya.
Bukod sa WB, pinababa rin ng Asian Development Bank ang pagtaya sa bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam sa 6%.