Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi, kinatagpo ng Punong Ministro ng Portugal

(GMT+08:00) 2016-10-09 11:02:36       CRI

 

Kinatagpo kahapon, Ika-8 ng Oktubre, 2016, dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Antonio Maria Costa, dumadalaw na Punong Ministro ng Portugal.

Natutuwa si Xi sa pagdalaw ni Costa at kanyang pagdalo sa Forum for Economic and Trade Cooperation between China and Portuguese-speaking Countries. Binigyan-diin ni Xi na nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal na Tsino sa Portugal, at palawakin ang larangan ng kooperasyon. Dapat aniyang palakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa kultura, edukasyon at iba pang larangan.

Tinukoy ni Xi na matatag na kumakatig ang Tsina ng integrasyon ng Europa. Umaasa aniya siyang gaganap ang Portugal ng mas maraming papel para mapasulong ang maalwan at malusog na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Europa.

Ipinahayag naman ni Costa na nakahandang mapasulong ang pagpapalalim ng komprehensibong kooperasyon ng Portugal at Tsina at kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng framework ng "Belt and Road" Initiative, lalu-lalo na sa mga larangan ng enerhiya, pinansiya, koryente, imprastruktura, agrikultura at iba pa.

salin:wle

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>