Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-Thai, pasusulungin

(GMT+08:00) 2016-10-10 10:47:51       CRI

Bangkok, Thailand — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Oktubre 9, 2016, kay Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina na kalahok sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Asia Cooperation Dialogue (ACD), ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand ang pasasalamat sa paglahok ni Li sa nasabing pulong. Inaasahan aniya ng Thailand na gaganap ng mahalagang papel ang Tsina sa pagpapasulong ng ACD sa mga larangang gaya ng konektibidad. Nakahanda aniya ang Thailand na magsikap kasama ng Tsina, para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong kinabibilangan ng turismo, kalakalang agrikultural, kultura, at iba pa.

Sinabi naman ng pangalawang pangulong Tsino na ang Tsina at Thailand ay kapwa mahalagang umuunlad na bansa sa Asya. Aniya, kapwa kinakaharap ng dalawang panig ang mahalagang tungkulin ng pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Umaasa si Li na mapapanatili ng dalawang panig ang pagdadalawan sa mataas na antas, mapapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapapalakas ang estratehikong pagkokoordinahan upang magkasamang makapag-ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, kaligtasan, at katatagan ng dalawang bansa at buong rehiyon.

Ipinahayag pa ni Li na palagiang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang proseso ng ACD, at winiwelkam nito ang pagpapatingkad ng mga kasaping bansa ng ACD ng mas malaking papel sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>