Beijing — Ipinahayag Lunes, Oktubre 10, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, napapanatili ng Tsina at Pilipinas ang mahigpit na pagkokoordinahan tungkol sa gagawing biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina.
Ani Geng, paulit-ulit na nagpahayag ang panig Tsino ng pagtanggap sa nasabing biyahe ng pangulong Pilipino. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang pagpapahalaga ni Pangulong Duterte sa relasyong Sino-Pilipino. Nananalig siyang ang pagdadalawan ng mataas na antas ng dalawang bansa ay makakatulong sa pagpapasulong hindi lamang ng kanilang pagkakaibigan at pagtutulungan, kundi sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyon, dagdag pa niya.
Ayon sa ulat, isasagawa ni Pangulong Duterte ang kanyang unang biyahe sa Tsina sa gitnang dako ng buwang kasalukuyan.
Salin: Li Feng