Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PM ng Tsina at Portugal, nag-usap: malusog na relasyon, pananatilihin

(GMT+08:00) 2016-10-10 09:39:04       CRI

Sina Antonio Maria Costa (sa kaliwa) at Li Keqiang (sa kanan)

Nag-usap Oktubre 9, 2016 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministrong Antonio Maria Costa ng Portugal.

Ipinahayag ni Premyer Li na nitong 37 taong nakalipas sapul nang naitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Portugal, nananatiling mainam at malusog ang pagtutulungan ng dalawang bansa. Naisakatuparan aniya ng Tsina at Portugal ang maalwang paglilipat ng soberanya ng Macao, batay sa prinsipyo ng pagbibigay-galang, at pagkakapantay-pantay. Ito aniya ay hindi lamang nagsisilbing huwaran sa paglutas ng mga bansa sa mga alitang pangkasaysayan, kundi makakatulong din sa ibayong pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Portugal, para ibayo pang palakasin ang kanilang pagpapalitan sa mas mataas na antas, palalimin ang pagtitiwalaan sa pulitika, palakasin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Makikinabang aniya ang mga mamamayan ng dalawang bansa mula rito.

Binigyang-diin ni Li na positibo ang Tsina sa pagtatatag ng integrasyon ng Europa. Aniya, ang pagsasakatuparan ng pagkakaisa, kasaganaan at katatagan ng Unyong Europeo(EU) ay hindi lamang angkop sa interes ng ibat-ibang panig, kundi makakatulong din sa muling kasiglaan ng kabuhayang pandaigdig at katatagan ng pinansiyang pandaigdig. Umaasa aniya ang Tsina na patitingkarin ng Portugal ang konstruktibong papel sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at EU.

Ipinahayag naman ni Costa na nakahanda ang Portugal na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palakasin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa pinansiya, turismo, bagong enerhiya at iba pa. Handa rin aniya ang kanyang bansa sa pagpapasulong ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at EU.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>