Sinabi kahapon, Oktubre 12, 2016, ni Aung San Suu Kyi, State Counselor ng bansa at Ministrong Panlabas ng Myanmar na sa pamamagitan ng mga hakbanging pambatas, buong lakas na magsisikap ang pamahalaan ng Myanmar para malutas ang marahas na insidenteng naganap sa Rakhine State sa pinakamakatuwirang paraan.
Ipinahayag pa niyang hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natatapos ang pagsusuri kaya hindi babatikusin ng pamahalaan ang sinuman, hangga't hindi natatamo ang katotohanan sa pamamagitan ng ebidensiya. Samantala, kung ito aniya ay isyung pangkasaysayan na hindi puwedeng malutas sa isang gabi, gagawing isang pambansang misyon ng pamahalaan ang isyu ng Rakhaine at hahanap ng pangmatagalang kalutasan.
Kinumpirma kamakailan ng pamahalaan ng Myanmar na, noong gabi ng ika-9 ng buwang ito, sinalakay ang 3 police station sa rehiyong panghanggahan ng Rakhine State ng Mynamar at Bangladesh. Ikinamatay ito ng 9 na pulis at ikinasugat ng isa pa; samantalang ilampung baril at ilanlibong punlo ang naagaw.