Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapalitan ng mediang Tsino at Pilipino, palalakasin

(GMT+08:00) 2016-10-20 13:28:41       CRI

Sina Cai Mingzhao (sa kanan) at Martin Andanar (sa kaliwa)

Beijing — Nakausap nitong Miyerkules, Oktubre 29, 2016, ni Cai Mingzhao, Presidente ng Xinhua News Agency, si Martin Andanar, Communications Secretary na kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa biyahe sa China.

Ipinahayag ni Cai ang kahandaan ng kanyang ahensya na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at mga pangunahing mediang Pilipino para mapasulong ang kanilang pagpapalitan, magkakasamang palaganapin ang positibong impormasyon para sa pagkakaibigang Sino-Pilipino at mapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Andanar na ang Xinhua News Agency ay organong pang-impormasyon na may mahalagang impluwensiya sa daigdig. Naging obdiyektibo at pantay ang pagre-report nito tungkol sa Pilipinas, aniya. Nakahanda ang PCOO na patuloy na palalimin ang pakikipagtulungan sa Xinhua News Agency para maihatid ang mas maraming positibong impormasyon sa mga mamamayang Pilipino at mapalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, dagdag ni Andanar.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>