|
||||||||
|
||
Ayon sa AFP Western Mindanao Command, si Captain Park Chul Hong ng M/V Dong Bang Giant at ang Cebuanong tripulanteng nakilala sa pangalang Glenn Alindajao ay dinukot ng sampu kataong pinaniniwalaang mga kasapi ng Abu Sayyaf sa ilalim ni Jul Hassan.
Ang mga may kagagawan ng krimen ay mga tagasunod ni Abu Sayyaf sub-leader Idang Susukan na taga-Sulu.
Pinakilos na ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang lahat ng armadong tauhan upang mabawi ang dalawang biktima.
Inaalam pa ang kinalalagyan ng mga kriminal at mga biktima upang mailigtas kaagad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |