Sa ika-6 na sesyong plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na binuksan ngayong araw, Oktubre 24, 2016, sa Beijing, tatalakayin ang mga isyu hinggil sa pagpapahigpit ng pagsasaayos sa partido sa pamamagitan pagbabalangkas at pagsususog ng mga regulasyon.
Tinataya ng mga dalubhasa na ang mga dokumentong isasapubliko ng sesyon ay magpapahigpit ng paglaban sa korupsyon.
Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, puspusang nagsisikap ang mga lider ng CPC para mapahigpit ang pagsasaayos ng partido, upang matamo ang maliwanag na bunga sa paglaban sa korupsyon.
Salin:Lele