Sa paanyaya ni Tian Guoli, Puno ng Bank of China (BC), dinaluhan sa Shanghai nitong Miyerkules, Oktubre 26, 2016, ni Ma Yun, Chairman of the Board ng Alibaba Group, ang Seminar ng Pandaigdigang Pagpapalitan at Pagtutulungang Pinansyal tungkol sa "Belt and Road" Initiative. Siya ay nagbigay-klase sa mga trainee. Napag-alamang ang seminar na ito ay idinaos sa pagtataguyod ng BC para sa Pilipinas.
Binahaginan ni Ma ng kanyang opinyon ang mga trainee tungkol sa mga teorya at praktis ng E-commerce at Network Finance.
Tatagal ng sampung (10) araw ang nasabing seminar. Ito'y nakapokus sa mga problemang kinakaharap ng panig Pilipino. Idaraos din ng BC ang mga espesyal at katugong talakayan at paglalakbay-suri. Layon nitong malalimang talakayin ang hinggil sa espayo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang ekonomiko at pinansyal.
Salin: Li Feng