Ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa isyu ng South China Sea, magkahawig ang panananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina at Hapon na nagbibigay-diin sa kooperasyon at pansamantalang pagsasa-isantabi ng alitan.
Sa kanyang panananatili sa Hapon, ipinahayag ni Pangulong Duterte, na nananalig siyang dapat lutasin ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng United Nations Convention on the Law of the Sea(UNCLOS). Kaugnay nito, ipinahayag ni Lu na sa mga balita ng pakikipag-usap sa mga lider Tsino, at sa magkasanib na pahayag na narating ng Tsina at Pilipinas, ipinakita na ni Duterte ang maliwanag na intensyon sa mga isyung kapuwa pinahahalagahan ng Tsina at Pilipinas na kinbibilangan ng isyu ng South China Sea. Ayon dito, kung hindi puwedeng agarang malutas ang nasabing isyu, puwedeng pansamantalang isa-isantabi muna ang alitan at bigyan-diin ang kooperasyon at kaunlaran. Binanggit naman ni Duterte sa Hapon na umaasa siyang malulutas ang mga alitan ng Pilipinas at Tsina sa isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng pagsasanggunian.