|
||||||||
|
||
GUGUGOL ng isang buwan ang Philippine Army sa pagsasagawa ng joined at combined training exercise sa mga kawal mula sa United States Special Operations Forces mula sa Nobyembre ayon sa kanilang taunang palatuntunan.
Magaganap ito kahit pa sinabi ni Pangulong Duterte na nais na niyang tapusin ang military exercises na katatampukan ng Estados Unidos.
Ayon kay Col. Benjamin H. Hao, tagapagsalita ng Philippine Army, ang Philippines-United States Exercise Balance Piston 16-4 ay nakatuon sa pagsasanay sa pakikidigma at pagkakaroon ng inter-operability ng Special Operations Command ng Army at US Special Operations Forces.
Higit sa 12 mga kawal ng America at isang balangay ng Philippine Army Special Forces ang makakasama sa pagsasanay sa maritime training facility sa Puerto Princesa sa Palawan at sa isang military camp sa Rizal, Palawan mula Nobyembre hanggang Disyembre ng 2016.
Isa itong taunang pagsasanay sapagkat naghahanda ang Philippine Army hanggang hindi pa nakatatanggap ng bagong kautusan mula sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines. Kasama sa kanilang pagsasanayan ang human rights, marksmanship at tactical combat casualty care.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |