Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Internet access at paglalaan ng radio frequencies, isasaayos

(GMT+08:00) 2016-10-28 14:44:36       CRI

SINABI ni Atty. Salalima ng Department of Information and Communications Technology na kabilang sa utos ni Pangulong Duterte ang pagpapabilis ng internet services sa bansa.

Ipinaliwanag niyang dumami na ang gumagamit ng mobile phones subalit nahihirapan ang telecommunications companies na makapagtayo ng kanilang cell sites sapagkat maraming pook sa bansa, tulad ng mga subdivision, na nanangangambang may dulot na radiation ang cell sites.

Nagkaroon na rin na mga usaping nakarating sa hukuman dahil sa pagkakahati ng mga naninirahan sa barangay at subdivision. Naglabas na ng pahayag ang Department of Health na hindi magdudulot ng anumang karamdaman ang mga cell sites sapagkat mas malakas pa ang radiation na mula sa mga makabagong telebisyon.

Samantala, magkakaroon din ng imbentaryo ng radio frequencies na naibigay sa mga aplikante noong mga nakalipas na taon. Marami umano sa mga nabigyan ang nag-aakalang maipagbibili nila ang nakamtang prangkesa mula sa pamahalaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>