Linggo, ika-30 ng Oktubre, 2016, matagumpay na naisaoperasyon ang unang flight ng Scoot Airways ng Singapore sa pagitan ng Dalian ng Tsina at Singapore. Ang Dalian ay ang ika-7 destinasyon ng Scoot Airways sa Chinese mainland.

Mula noong 2013, aktibong pinalawak ng paliparan ng Dalian ang pamilihan ng abiyasyon sa Timog-silangang Asya. Hanggang ngayon, pinakamarami sa dakong hilagang silangan ng Tsina ang bilang ng mga linya sa pagitan ng Dalian at mga bansa sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa salaysay, ang naturang ruta ay may permanenteng lipad tuwing Martes at Linggo.
Salin: Vera