Nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 4, 2016, dumating ng Tanjung Priok Port ng Jakarta ang Chinese warship na "Zhenghe" para pasimulan ang apat (4) na araw na mapagkaibigang pagdalaw sa Indonesia. Sinalubong ito nina Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesia, mga kinatawan ng organong pinatatakbo ng pondong Tsino, mag-aaral na Tsino, overseas at ethnic Chinese sa Indonesia, at mga sundalo at kawal ng hukbong pandagat ng Indonesia.
Ito ang ika-3 beses nang biyahe ng Zhenghe warship sa Indonesia. Sa panahon ng biyaheng ito, isasagawa ng dalawang panig ang mga pagpapalitan.
Salin: Li Feng