Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ADB at Tsina, palalalimin at palalawakin ang kooperasyon

(GMT+08:00) 2016-11-11 11:23:52       CRI
Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng paglahok ng Tsina sa Asian Development Bank (ADB), ipinalabas kamakailan ni Takehiko Nakao, Gobernador ng bangkong ito, ang artikulong nagbibigay-diin sa pagpapalalim at pagpapalawak ng kooperasyon ng dalawang panig.

Binalik-tanaw ni Nakao ang kooperasyon ng ADB at Tsina. Aniya, sapul nang ilabas noong 1987 ng ADB ang unang pautang sa Tsina, hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot na sa 34 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga pautang ng ADB sa Tsina. Kabilang dito aniya, halos kalahati ng mga pautang ay pumunta sa sektor ng komunikasyon at transportasyon ng Tsina. Dagdag ni Nakao, nitong ilang taong nakalipas, inilabas, pangunahin na, ng ADB ang mga pautang sa Tsina, para tulungan ito sa pag-u-upgrade ng estrukturang pangkabuhayan, pagbabawas ng kahirapan, at paglaban sa pagbabago ng klima.

Sinabi rin ni Nakao, na ang "Partnership for the Better World" ay tema ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng paglahok ng Tsina sa ADB. Nakahanda aniya ang ADB, kasama ng Tsina, na pasulungin ang rehiyonal na kooperasyon sa mga aspekto ng pagpapalakas ng interkonektibidad sa komunikasyon, enerhiya, at telekomunikasyon, at pagtataguyod ng pasilitasyon ng kalakalan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>