Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabuhayang Indones, mainam — Chinese ambassador sa Indonesia

(GMT+08:00) 2016-11-11 15:53:19       CRI

Sa kanyang talumpati kamakailan sa Rotary International sa Indonesia, ipinahayag ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesia, na sa kasalukuyan, walang puwersa ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, at dumagdag ang mga elemento ng kawalang-katatagan. Ngunit, mayroong aniyang dalawang tampok na bentahe ang Tsina at ang Indonesia.

Ani Xie, bamaga't kinakaharap ng kabuhayang Indones ang maraming hamon, mainam pa rin ang performance nito. Aniya, noong unang hati ng kasalukuyang taon, naisakatuparan ang mahigit 5% paglaki ng kabuhayan, at umakyat din sa mahigit 12% ang bahagdan ng paglaki ng pondong dayuhan.

Dagdag pa niya, nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Indonesia. Naging dalawa aniya ang pangunahing bentahe ng relasyong ito, na kinabibilangan ng una, sabay na pagtaas ng saklaw ng pamumuhunan, kalidad at benepisyo; ikalawa, walang humpay na paglawak ng larangang pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>