Nakipag-usap Nobyembre 10, 2016 si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia kay dumadalaw na Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Sinang-ayunan ng dalawang lider ang pagpapahigpit sa pagtutulungang panseguridad ng dalawang bansa sa purok-hanggahan sa dagat. Ayon dito, hahayaang pumasok ang tropang Malay sa loob ng teritoryong pandagat ng Pilipinas para habulin ang mga armadong tauhan.
Sa isang preskong idinaos pagkaraan ng pag-uusap, ipinahayag ng dalawang lider na ipagpapatuloy ang mabibisang pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia, para bigyang-dagok ang pangingidnap at magkasamang pangalagaan ang seguridad at kaayusan sa karagatan.