Museum of the War of Peoples Resistance Against Japanese Aggression
Beijing — Idinaos sa Museum of the War of Peoples Resistance Against Japanese Aggression nitong Lunes, Nobyembre 14, 2016, ang seremonya ng pagbibigay ng tungkos na bulaklak sa mga martir noong digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon. Tema ng aktibidad na ito ay "Tandaan ang mga Nanyang Volunteer Drivers and Mechanics, at Maalaala ang mga Martir."
78 taon na ang nakararaan, bilang tugon sa panawagan, mahigit tatlong (3) libong Nanyang Volunteer Drivers and Mechanics ay nakilahok sa dakilang anti-Japanese war. Sa lansangan mula probinsyang Yunnan ng Tsina hanggang Myanmar ay iniligtas at inihatid nila ang mga pangangailangang militar, bagay na naigarantiya ang maalwang operasyon ng "life line" sa kapinsalaan ng kanilang buhay at dugo. Ito ay nakapagbigay ng napakalaking ambag para sa tagumpay ng nasabing digmaan.
Ipinahayag ng mga kalahok na ang diwa ng Nanyang Volunteer Drivers and Mechanics ay yamang pandiwa ng buong Nasyong Tsino. Dapat itong ipagpatuloy at pasulungin, dagdag pa nila.
Salin: Li Feng