Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Porum ng Tsina at Myanmar hinggil sa pangangalaga sa yamang panggugubat, idinaos

(GMT+08:00) 2016-11-21 16:58:29       CRI

Idinaos Nobyembre 20, 2016 sa Kunming, Tsina ang kauna-unahang porum ng Tsina at Myanmar hinggil sa pangangalaga sa yamang gubat at kaunlaran ng komunidad. Mga 100 kinatawan, galing sa Tsina at Myanmar, ang nagtalakayan hinggil sa pangangalaga sa biodiversity, pamamahala sa yamang gubat, pagpigil ng sunog sa gubat, kaunlaran ng komunidad at iba pa.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wan Yong, Pangalawang Director ng Kawanihang Panggugugbat ng Yunnan, Tsina, na may mahabang kasaysayan ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkultura ng Yunnan at Myanmar. Aniya pa, mayaman ang karanasan ng Yunnan sa pangangalaga sa biodiversity at nabuo na nito ang katangi-tanging sistema. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng porum, ibayo pang mapapasulong ang pagtutulungan ng magkabilang panig at maitatatag ang regular na mekanismo ng pagpapalitan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>