|
||||||||
|
||
Sa kanyang keynote speech na pinamagatang "Ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames ay mahalagang elemento para sa kapayapaan, katatagan, at kooperasyong panrehiyon" sa China Foreign Affairs University (CFAU), ipinahayag nitong Huwebes, Nobyembre 24, 2016, ni Dang Minh Khoi, Embahador ng Biyetnam sa Tsina, na umaasa ang partido, pamahalaan, at mga mamamayan ng kanyang bansa na mapapanatili ang mainam na relasyon sa partido, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino. Ito aniya ay taos-pusong damdamin at estratehikong pagpili ng Biyetnam.
Nagtatalumpati si Dang Minh Khoi (una mula kaliwa)
Sinabi niya ito sa aktibidad ng "Serye ng Talumpati ng mga Embahador ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina" na nasa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod ng ASEAN-China Center (ACC), China Foreign Affairs University, at Embahadang Biyetnames sa Tsina.
Nagtatalumpati si Dang Minh Khoi
Anang Vietnamese Ambassador, ang pag-unlad ng Biyetnam at Tsina, pati na ang mapayapang pag-unlad ng ASEAN, ay di-maihihiwalay sa mapayapa at matatag na kapaligirang panrehiyon at pandaigdig. Umaasa ang mga mamamayang Biyetnames na matatagpuan ang isang maunlad at malakas na Tsina upang makapagbigay ng konstruktibong ambag para sa rehiyon at buong mundo.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, Qin Yaqing, Puno ng CFAU, Vandy Bouthasavong, Embahador ng Laos sa Tsina, mga diplomata ng iba't-ibang bansang ASEAN sa Tsina, at mga 100 guro at estudyante ng CFAU.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |