Tuwing unang araw ng Disyembre ay Pandaigdigang Araw ng AIDS.
Nanawagan Disyembre 1, 2016 si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN) na magkasamang magsikap ang komunidad ng daigdig para isakatuparan ang target na wakasan ang pagkalat ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa taong 2030.
Sinabi ni Ban na sa ilalim ng pagsisikap ng komunidad ng daigdig, nagtatamo ng malaking progreso ang pagpapagaling at pagpigil sa AIDS. Aniya, sa kasalukuyan tinatanggap ng mas maraming may-HIV ang propesyonal na paggamot, at nabawasan ang mga sinawing-palad dahil sa naturang sakit.
Samantala, tinukoy din ni Ban na nananatili pa ring malubha ang kalagayan ng AIDS sa mga lugar sa gawing katimugan sa Sahara ng Aprika.