|
||||||||
|
||
Jakarta — Idinaos nitong Martes, Disyembre 6, 2016, ang China-Indonesia Entrepreneur Summit. Dumalo rito ang mahigit 500 personaheng kinabibilangan ng mga opisyal, panauhin ng sirkulong komersyal at industriyal, at mga mangangalakal mula sa Tsina at Indonesia.
Sa seremonya ng pagbubukas, lumagda ang Samahan ng Pagpapasulong ng Kalakalan ng Lalawigang Zhejiang ng Tsina at KADIN Indonesia Komite Tiongkok (KIKT) sa mapagkaibigang kasunduang pangkooperasyon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Soegeng Rahardjo, Embahador ng Indonesia sa Tsina, na pabubutihin ng kanyang embahada ang serbisyo para sa pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Indonesia at Tsina upang mapasulong ang mas malawak at malalim na kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |