Beijing—Idinaos dito ng hukbong pandagat ng Tsina ang aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagbawi ng Tsina sa Xisha Islands at Nansha Islands.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, iniharap ni Wu Shengli, Miyembro ng Central Military Commission at Komander ng Hukbong Pandagat ng Tsina, ang apat na mungkahi: gawing priyoridad ang paggalang sa kasaysayan, gawing mahalagang tungkulin ang pangangalaga sa katatagan, gawing pundasyon ang pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at gawing landas ang pagpapalalim ng kooperasyon.
Ani Wu, ang pagbawi ng Xisha Islands at Nansha Islands ay mahalagang bunga ng digmaan ng Tsina laban sa pagsalakay. Sa mula't mula pa'y iginigiit aniya ng pamahalaang Tsino ang paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, at pagsasakatuparan ng win-win situation sa pamamagitan ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Sinabi niyang ang konstruksyon ng Tsina sa Nansha Islands nitong nakalipas na ilang taon ay isinagawa sa sariling teritoryo, at ganap na makatwiran at legal ang aksyong ito. Bukod sa pagkokompleto ng mga kinakailangang instalasyong pandepensa, ang karamihan ng mga konstruksyon ay pagtatatag ng instalasyon para sa gamit na sibilyan, at maaari itong magkaloob ng mas masaganang produksyon ng serbisyong pampubliko sa komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng mga bansa sa paligid, dagdag pa Wu.
Salin: Vera