Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Namamahalang opisyal na panseguridad ng Tsina at Amerika, nag-usap

(GMT+08:00) 2016-12-09 09:42:38       CRI

Nag-usap Disyembre 8, 2016 sa Washington, Amerika sina Guo Shengkun, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Susan Rice, American National Security Adviser.

Ipinahayag ni Guo ang pagpapahalaga sa pagsisikap ni Rice sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano, at pagtutulungan ng dalawang bansa sa cyber security at law enforcement.

Sinabi ni Guo na sa nalalapit na pagpapalit ng pamahalaang Amerikano, ang pagsasakatuparan ng matatag at masiglang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa interes ng dalawang bansa at daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga pamahalaang Amerikano, para ibayong palalimin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa cyber security at law enforcement, para isakatuparan ang matatag, malusog at masiglang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

Ipinahayag naman ni Rice na bilang dalawang bansang may pinakamalakas na impluwensiya sa daigdig, inaasahang magsisikap ang Tsina at Amerika, para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon, batay sa pagpapatibay at pagpapalawak ng mga natamong bungang pangkooperasyon, at pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>