Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China kay Trump, dapat alamin ang sensitibidad ng isyu ng Taiwan

(GMT+08:00) 2016-12-12 17:24:51       CRI

Ipinahayag nitong Linggo, Disyembre 11, 2016, ni American President-elect Donald Trump ang kanyang ganap na pagkakaunawa sa "One China Policy," ngunit hindi umano niya maintindihan kung bakit ipagpapatuloy ang nasabing patakaran kung hindi magkakasundo ang Amerika at Tsina sa mga iba pang temang tulad ng kalakalan.

Kaugnay nito, ipinagdiinan Lunes, Disyembre 12, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batid ng panig Tsino ang nasabing impormasyon, at lubos nitong ikinababahala ang tungkol dito. Aniya, ang isyu ng Taiwan ay may kaugnayan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at ito ay nukleong kapakanan ng panig Tsino.

Hinihimok aniya ng panig Tsino ang bagong pamahalaan at lider ng Amerika na lubos na alamin ang mataas na sensitibidad ng isyu ng Taiwan. Dapat kalmado at maayos na hawakan ng Amerika ang isyung ito upang maiwasan ang pagkakapinsala ng pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>