Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagpatay, nangungunang balita ngayong 2016

(GMT+08:00) 2016-12-12 19:37:58       CRI

NANINIWALA si dating Senador Francisco Tatad na ang mga pagpatay na nagaganap ngayon ang mangungunang balita sa taong 2016. Hindi biro ang bilang ng mga napapaslang ng mga 'di mabatid ng pusakal na responsible sa pagkasawi ng mga sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Bagaman, sinabi pa ng dating senador na wala pang mga banyagang napapaslang o nadarakip sa pinag-ibayong kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa mula ng maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte.

Idinagdag pa niyang kagulat-gulat ang ginawang pagbibigay ng search warrant sa isang nakapiit na sinasabing nanglaban. Kagulat-gulat umano ang naganap kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. noong nakalipas na ika-lima ng Nobyembre. Hindi mawari ng dating senador na sinabi na ng mga imbestigador na rub-out ang naganap subalit sinabi pa ng pangulong mas paniniwalaan niya ang bersyon ng pulisya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>