Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng Abu Sayyaf, napaslang, dalawa ang nadakip

(GMT+08:00) 2016-12-13 11:09:59       CRI

SINABI ng AFP Western Command na totoo ang balitang mula sa Sabah, Malaysia sa barilang naganap sa pagitan ng mga alagad ng batas ng Malaysia at mga kasapi ng Abu Sayyaf noong nakalipas na Huwebes.

Napaslang si Abraham Hamid, ang pinuno ng mga dumukot sa mga banyaga at isang Filipina sa Samal Island sa Davao del Sur noong nakalipas na Setyembre 2015. Dalawa ang nadakip at nakilala sa mga pangalang Samsung Alijan at Awal Hajal. Dalawang iba pa ang nawawala.

Si Hamid ang sinasabing tagapagturo ng dudukutin, ang pinuno ng mga Abu Sayyaf na dumukot kay Robert Hall, John Ridsdel, Kjartan Sekkingstad at Marites Flor sa Ocean View Resort sa Camudmud, Samal.

Napigil ng mga autoridad sa Sabah ang balak ng Abu Sayyaf na dumukot na naman sa Malaysia.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>