![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
SM's Future in China
Sa hinaharap, pahayag ni Ginoong Hans Sy na patuloy pa rin ang expansion ng SM sa Tsina. Gagamitin pa rin niya ang parehong pormula, hindi man ito madali, ito naman sa kaniyang pananaw ay sustenable. Patuloy niyang pag-aaralan ang mga pangangailangan ng mga tao at pagtutuunan ito habang pinapaunlad niya ang SM sa loob ng Tsina.
Si Hans Sy (gitna) kasama ang CRI Filipino Service Team.
Naniniwala siyang ang Tsina ay patuloy na nag-aalok ng mga bagong oportunidad para sa paglago bilang pinakamalaking economiya sa daigdig. Ang Tsina ay key global player lalo pa't lumalaki ang kita ng mga mamamayan nito mula sa mga second and third tier cities.
Kasabay ng pagbubukas ng SM Tianjin, inilunsad din ang exhibit ni Chen Xiao, isang New Zealand based artist. Pinahahalagahan ng lahat ng SM Malls ang sining at ipinakikilala nito ang obra ng kilalang mga artists mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ngayong kapaskuhan, ipinarating rin ni Ginoong Sy ang kanyang pagbati na nawa lahat tayo ay magkaroon na kapayapaan at kaligayahan.
Ulat: Mac Ramos
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |