Naganap Lunes, Disyembre 19, 2016 ang sinadyang pananagasa ng isang trak sa isang Christmas market sa Berlin na ikinamatay sa di-kukulanging 12 katao at ikinasugat ng 49 iba pa.
Pinaniniwalaan ng pamahalaan ng Alemanya na ang insidenteng ito ay teroristikong atake. Inamin ng ISIS na sila ang may kagagawan nito. Kinondena ng komunidad ng daigdig ang nasabing atake, at ipinahayag ang pakikidalamhati sa mga biktima.
Nang araw ring iyon, naganap ang pamamaril sa isang mosque sa Zurich, Switzerland na ikinasugat ng di-kukulangin sa 3 katao. Ayon sa panig ng pulisya, tukoy na ang identidad ng salarin, pero, walang natuklasang anumang kaugnayan sa teroristikong organisasyon. Nagpatiwakal ang salarin, at hindi pa malinaw ang kanyang motibo sa krimen.
Pagkatapos ng nasabing mga atake, magsasagawa ang iba't ibang bansa ng Europa ng mga hakbang para maigarantiya ang seguridad sa panahon ng Pasko at bagong taon.
Salin:Lele