Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Ruso, mahalagang tagapagtaguyod ng kapayapaan at katatagan ng daigdig--tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2016-12-27 10:14:58       CRI
Sinabi kahapon, Lunes, ika-26 ng Disyembre 2016, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang estratehikong koordinasyon ng Tsina at Rusya ay mahalagang tagapagtaguyod ng kapayapaan at katatagan ng daigdig.

Winika ito ni Hua, kaugnay ng pahayag na ipinalabas kamakailan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya hinggil sa relasyong Ruso-Sino. Sinabi ni Putin, na ang relasyon ng Rusya at Tsina ay lumampas na sa karaniwang estratehikong partnership. Aniya pa, marami ang komong palagay ng Rusya at Tsina sa mga isyung pandaigdig, at ito ay naging mahalagang elemento ng katatagan sa mga suliraning pandaigdig.

Bilang tugon, sinabi ni Hua, na positibo ang panig Tsino sa naturang pahayag ng panig Ruso. Aniya, ang komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa iba't ibang aspekto, ay hindi lamang nagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nagbibigay rin ng positibong elemento sa kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Dagdag pa niya, sa susunod na taon, nakahanda ang Tsina, kasama ng Rusya, na patuloy na patatagin at paunlarin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa, at pangalagaan ang kapayapaan, katiwasayan, at katatagan ng rehiyon at daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>