|
||||||||
|
||
Ipinalabas nitong Miyerkules, Disyembre 28, 2016, ng Embahadang Amerikano sa Pilipinas ang isang pahayag na pinabulaanan ang impormasyong minsa'y nagtangka ang dating Embahador nito sa Pilipinas na si Philip Goldberg na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Anito, iginagalang ng Amerika ang soberanya ng Pilipinas at pagpili ng mga mamamayang Pilipino sa kanilang lider.
Idineklara rin ng American Embassy sa Pilipinas na ang alyansa sa pagitan ng dalawang bansa ay isa sa mga pinakamatagalang relasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko. Patuloy itong magpopokus sa malawakang relasyon ng Amerika at Pilipinas, anito pa.
Naunang pinabulaanan din ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang pakikisangkot nito sa anumang planong naglalayong patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |