Inilabas Huwebes, Disyembre 29, 2016 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang White Paper na pinamagatang "Development of China's Transport".
Ang nasabing white paper ay naglagom ng mga karanasan ng industriya ng transportasyon noong ilang dekada at nagharap ng mga target ng industriyang ito sa hinaharap.
Ayon sa naturang white paper, Sa taong 2020, itatayo ng Tsina ang 30,000 kilong metrong high-speed railway na sasaklaw sa 80% ng lahat ng mga malaking lunsod.
Bukod dito, dapat patingkarin ng industriya ng transportasyon ang batayang papel sa pagtatayo ng isang may kaginhawahang lipunan sa taong 2020.