Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

(GMT+08:00) 2016-12-30 16:31:01       CRI

 

Beijing, Tsina – Isang payak at solemnang seremonya't salu-salo ang idinaos, noong gabi ng Huwebes, Disyembre 29, 2016 sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing bilang paggunita sa kabayanihan at pag-aalay ng buhay para sa Sambayanang Pilipino ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal.
Bilang bahagi ng mga aktibidad, nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa paanan ng rebulto ni Rizal na pinangunahan nina Minister/Consul Rhenita Rodriguez at Minister/Consul Ivan Frank Olea.


Bukod dito, nagkaroon din ng maikling salaysay tungkol sa buhay, kasaysayan ng mga monumento ni Rizal sa Pilipinas, at kanyang tahanan sa Laguna.
Sa tulong naman ng National Center for Culture and the Arts (NCCA), inanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang mga piling panauhin upang buuin at itayo ang papel na 3D replica ng bantayog ni Rizal na makikita sa Luneta Park, Maynila.


Ipinahayag ni Minister/Consul Rodriguez ang pag-asang maaalala at isasa-puso ng mga Pilipino ang mga sakripisyong ginawa ni Rizal para sa kalayaan ng Pilipinas.
Aniya, sana gawing ehemplo ng mga kabataang Pilipino ang mga ginawa ni Rizal para sa ikau-unlad ng Pilipinas.

Mga diplomata, media at Pinoy sa Beijing ang kalahok sa aktibidad 

Ayon naman kay Minister/Consul Olea, dapat pumulot ng mabuting aral ang mga kabataang Pilipino sa mga ehemplong ipinakita ni Rizal.
"Dapat pag-aralan nila iyong buhay ni Rizal dahil marami silang matututunan [dito]," dagdag ni Olea.
Ang pinaka-importante ani Minister/Consul Olea ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, hindi sa pamamagitan ng armas, kundi sa pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa kapuwa at matibay na prinsipyo.

/end/
Ulat: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>