Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Duterte kaugnay ng bagyong Nina

(GMT+08:00) 2017-01-01 22:20:41       CRI
Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Linggo, Enero 1, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pananalasa ni bagyong Nina (international name Nock-Ten) sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi na ang bagyong Nina ay nagdulot ng kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian ng Pilipinas. Sa ngalan ng Pamahalaang Tsino, sambayanang Tsino at kanyang sarili, ipinaabot ni Xi ang pangungumusta sa mga apektadong mamamayang Pilipino.

Inilahad din ni Pangulong Xi na mapagkaibigang magkapitbansa ang Pilipinas at Tsina. Ikinababahala aniya niya  at mga mamamayang Tsino ang pagdurusa at pagkawala ng tahanan ng mga mamamayang Pilipino dahil sa kalamidad. Dagdag niya, nakahanda ang Tsina na magbigay ng pangkagipitang tulong. Nananalig aniya siyang sa pamumuno ng administrasyon ni Pangulong Duterte, mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Pilipino ang kalamidad at muling maitatayo ang mga nasirang tahanan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>