Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, inilahad ang mga mungkahi sa pagpapasulong ng kooperasyon ng mga bansang BRICS

(GMT+08:00) 2017-01-01 13:04:44       CRI
Pagkatapos manungkulan bilang tagapangulong bansa ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) sa taong 2017, inilahad ngayong araw, Enero 1, 2017 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga munghahi para pasulungin ang kooperasyon ng mga bansang BRICS sa hinaharap.

Sa kanyang liham kina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika, Pangulong Michel Temer ng Brazil, at Punong Ministro Narendra Modi ng India, ipinahayag ni Xi na sa susunod na dekada, dapat palalimin ng mga bansang BRICS ang mga aktuwal na kooperasyon, magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon at pasulungin ang pagpapalitan ng kultura.

Sa darating na Setyembre, idaraos sa Xiamen ng lalawigang Fujian, Tsina ang ika-9 na pulong ng mga lider ng BRICS. Sinabi ni Xi na nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng ibang mga bansang BRICS, ang tagumpay ng nasabing pulong para pataasin ang kooperasyon ng BRICS sa bagong antas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>