Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bating Pambagong Taon ni Director-General Wang Gengnian ng CRI

(GMT+08:00) 2017-01-01 15:29:54       CRI

Ngayong ay unang araw ng taong 2017. Sa pamamagitan ng radyo at website, ipinahayag ngayong araw ni Presidente Wang Gengnian ng China Radio International (CRI) ang kanyang taos pusong pambagong taong pagbati sa lahat ng mga tagasubaybay ng CRI sa buong daigdig. Ipinahayag ni Wang na sa bagong taon, patuloy na pabubutihin ng CRI ang kakayahan ng komunikasyon at serbisyo. Narito ang talumpati ni Presidente Wang ng CRI.


Mga kaibigan:

Sa ngalan ng China Radio International (CRI) at China International Broadcasting Network (CIBN), ipinapaabot ko mula sa Beijing ang bating Pambagong Taon sa inyong lahat! Sa pagpasok ng 2017, sana ay laging sumainyo ang kaligayahan, kapayapaan, at mabuting kapalaran.

Nitong ilang araw na nakalipas, ipinagdiwang namin ang Ika-75 Kaarawan ng CRI, at ipinadala ng mga giliw na tagasubaybay ang iba't ibang mensaheng pambati. Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Ravichandran, isa sa mga tagasubaybay ng CRI sa India na "Mula short wave radio hanggang website, social media at APP sa mobile phone, nakikita ko ang pag-unlad ng CRI, at lagi kong sinusubayan ang mga ito. Sana, lalo pang bumuti ang CRI, at maligayang kaarawan! " Mga kaibigan, salamat sa inyong pagkatig, patuloy na umuunlad ang CRI, ang kagustuhan ng mga tagasubaybay ay mahalagang tagapagpasulong na puwersa.

Noong 2016, kinaharap ng daigdig ang mga hamon, at gumanap ang Tsina ng konstruktibong papel hinggil dito. Ang umuunlad na Tsina ay umaakit ng pansin ng daigdig, at nagsisikap ang CRI para mapalalim ang pagkakaunawaan ng Tsina at daigdig.

Ipagpapatuloy ng CRI ang pagbabago ng paraan ng komunikasyon at pasusulungin ang kooperasyon sa mga media sa ibayong dagat. Noong isang taon, magkakasamang sumaksi sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at mga lider ng Rusya, Serbia, Bangladesh sa mga seremonya ng paglalagda ng kasunduang pangkooperasyon ng CRI at mga media sa nasabing mga bansa.

Inulat namin noong 2016, ang G20 Summit sa Hangzhou, misyon ng Tiangong-2 Space Lab at Shenzhou-11 manned spacecraft, at ang mga ito ay malawak na pinansin at pinapurihan ng mga kaibigan. Nilikha rin namin ang mga new media platform sa iba't ibang wika at ang mga ito ay China News, China Radio, at China TV. Binuksan namin ang mga mobile platforms sa iba't ibang wika na gaya ng "Chinese-English" "Sino-Russian" "Chinese-Italian" "Chinese–Japanese" "Chinese-Spanish" at "Chinese-Indian"; at tinatanggap ng mga tagasubaybay mula sa iba't ibang bansa ang mga new media program ng CRI na gaya ng Makers' Initiative II, The Danube Project at iba pa. Idinaos namin ang aktibidad na pangkooperasyon ng CRI at iba pang mga media: halimbawa, reporting mission ng mga media ng Tsina at Rusya sa ilalim ng tema ng Silk Road; "Media Leaders Roundtable of the Bo'ao Forum for Asia"; "The ASEAN-China Friendship Singing Festival"; "From University to the World -- A Dialogue between Chinese and American University Students", at iba pa.

Tulad ng isang sinaunang kasabihan: "You reap what you sow." Dahil sa pagsisikap, mabunga ang 2016 para sa CRI. Ang bilang ng mga tagasubaybay na may interaksyon ay lumampas sa 55.3 milyon, itinatag na ang 4115 fan clubs, at ang kabuuang bilang ng aming tagasubaybay ay umabot sa 260 million, kabilang dito, 80 million fans ang mula sa social media platforms. At ikaw ay isa sa kanila.

Gusto kong ibahagi ang mensahe mula kay Valentina Nikolova, isang netizen ng Bulgaria. Aniya, ang CRI ay nagbibigay ng pakpak sa kanyang pangarap. Sa pamamagitan ng mga ulat, nalalaman niya kung ano ang totoong Tsina, at malalim na nauunawaan ang pagkakaibigan, "Salamat sa mga kaibigang Tsino,"aniya. Lagi kaming nabibigyang-inspirasyon ng ganitong mga salita mula sa kaibigan. Ito'y isang paalaala na dapat walang humpay kaming magsikap.

Ang taong 2017 ay taon ng tandang sa Chinese Lunar Year. Nagsisimula ang bagong araw sa pagtilaok ng tandang, kaya dapat simulan na naming ang mga gawain. Ang CRI ay 75 taon gulang na, pero, ang bagong taon ay bagong simula. Sa bagong taon, sa kabila ng pagbabago ng paraan ng komunikasyon, ihahatid ng CRI ang mas maganda at mas napapanahong serbisyong pang-impormasyon at isasagawa ang mas maginhawang pakikipag-ugnayan sa mga tagatangkilik.

Muli, Manigong Bagong Taon, at Mabuhay po!"

Ito po ang mensaheng Pambagong Taon ni Presidente Wang Gengnian ng CRI para sa mga tagasubaybay. Mga kaibigan, sana'y maging maligaya ang inyong bagong taon!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>