Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong Secretary General ng UN, nanawagang magkakasamang harapin ng buong mundo ang iba't-ibang uri ng hamon

(GMT+08:00) 2017-01-04 14:30:48       CRI

Inalay ni Antonio Guterres ang garland sa punong himpilan ng UN upang makidalamhati sa mga namatay na work staff ng UN para sa usaping pangkapayapaan.

Nitong Martes, Enero 3, 2017, inalay sa punong himpilan ng United Nations (UN) ni Antonio Guterres, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang garland upang makidalamhati sa mga namatay na work staff ng UN para sa usaping pangkapayapaan. Sa kanyang maikling talumpati, nanawagan siya sa iba't-ibang kasaping bansa ng UN at mga work staff nito na magkakasamang magsikap para aktibong harapin ang mga dibersipikadong hamon sa buong daigdig.

Si Antonio Guterres habang papunta sa unang palapag ng UN headquarters para bumigkas ng maikling talumpati.

Ipinagdiinan ni Guterres na dapat magpunyagi nang sabay ang UN sa pagpigil at pagresolba sa mga sagupaan, saka lamang ibayo pang pasusulungin ang kapayapaan at kasaganaan ng buong mundo, sustenableng pag-unlad sa daigdig, at pagbuti ng kalagayan ng karapatang pantao.

Nanawagan si Antonio Guterres sa mga kasapi ng UN na magkakasamang magsikap upang harapin ang iba't-ibang uring hamon sa daigdig.

Inamin din niya na bilang isang malaking organo, umiiral pa ang mga pakukulang sa UN. Kaya dapat aniyang isagawa ang reporma sa loob ng UN upang mapataas ang episiyensiya nito. Dapat ding ibayo pang palakasin ng mga kasapi nito ang diyalogo at palalimin ang pag-uunawaan at pagtutulungan para mabawasan ang pagkakaiba sa loob ng UN.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>