Sinabi Lunes, Enero 9, 2017, ni Delfin Lorenzana, Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas na may posibilidad na lagdaan ng Pilipinas at Rusya ang kasunduan sa kooperasyong militar sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Rusya, sa April o Mayo ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Lorenzana na kung makakaroon ng kasunduan, isasagawa ng Pilipinas at Rusya ang kooperasyon sa pagsasanay militar, pagpapalitan ng mga tao at iba pa. Isiniwalat din ni Lorenzana na dadalaw ang isang delegasyong militar ng Rusya sa Pilipinas sa buwang ito, para talakayin ang pagbebenta ng sandata sa Pilipinas.
Tinukoy din niyang ang kasunduan ng Pilipinas at Rusya ay "kooperasyon" lamang, hindi pareho sa military treaty ng Pilipinas at Amerika.
salin:Lele