|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Miyerkules, Enero 18, 2016, ni Pinnat Charoenphol, Puno ng Tanggapan ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Thailand sa Kunming ng Tsina, na nitong 4 na taong nakalipas, umakyat sa mahigit 8.7 milyong person-time ang bilang ng mga turistang Tsino sa Thailand noong taong 2016, mula mga 2 milyong person-time.
Ayon kay Pinnat Charoenphol, nagiging mas popular ang self-guided tour sa Thailand. Halimbawa, sa lalawigang Yunnan, Guizhou, at rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina na pinamamahalaan ng kanyang tanggapan, tumaas na sa 40% hanggang 45% ang proporsiyon ng self-guide tour na napili ng mga turistang Tsino sa Thailand, aniya pa.
Tinaya pa niya na sa taong kasalukuyan, patuloy na lalaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa Thailand.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |