Ipinatalastas kahapon, Pebrero 1, ng Federal Reserve Board (FRB) na mananatiliti ang Federal Funds Rate sa 0.75% at naaangkop ito sa malawakang pagtaya ng pamilihan.
Pagkaraang idaos ang unang regular na pulong sa patakarang pansalapi sa taong ito, sa isang pahayag, sinabi ng FBR na sapul noong katapusan ng Disyembre 2016, nananatiling bumubuti ang labor market, lumalaki ang kabuhayan, gumaganda ang kompiyansa ng mga mamimili at kompanya, at tumataas naman ang inflation rate. Pero, mababa pa ito sa 2% na inaasahang target ng FRB at mahina ang fixed assets investment.