Kinumpira kahapon, Pebrero 1, ni Brigadier General Hossein Dehqan, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Iran na isinagawa kamakailan ng panig militar ng kanyang bansa ang subok-lunsad ng missiles.
Ayon sa ulat ng Tasnim News Agency, sinabi ni Dehqan, na ang nasabing subok-lunsad ay para mapangalagaan ang kapakanan at interes ng bansa at ito ay isang bahagi ng hakbanging pandepensa ng Iran. Ang nasabing paglulunsad ay hindi lumabag sa kasunduang nuklear ng Iran at hindi babaguhin ng Iran ang mga kaugnay na plano nito dahil lamang panghihimasok ng ibang bansa.
Hindi isiniwalat ni Dehqan ang mga detalye ng subok-lunsad, pero, ayon sa mediyang dayuhan, noong Enero 29, inilunsad ng Iran ang intermediate-range missiles.