Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Secretary Jesus Dureza, dismayado sa desisyon ng CPP/NPA/NDF

(GMT+08:00) 2017-02-02 18:44:30       CRI

DISMAYADO si Secretary Jesus Dureza, ang presidential adviser on the Peace Process sa pahayag ng tagapagsalita ng New People's Army na si "Ka Oris" na tumatalikod na sila sa unilateral ceasefire mula sa hatinggabi ng ika-sampu ng Pebrero.

Naganap ang pagtalikod sa ceasefire kahit pa may nakamtang tagumpay sa ikatlong paghaharap na naganap sa Roma na nagwakas sa pagkakasundo na pag-usapan ang bilateral ceasefire sa The Netherlands sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero.

Bagaman, niliwanag ni Secretary Dureza na iginagalang nila ang naging desisyon ng CPP/NPA/NDF.

Sa likod ng pangyayaring ito, niliwanag ni Secretary Dureza na inirerekomenda pa rin nila kay Pangulong Duterte na panatiliin at ipatupad ang unilateral ceasefire upang mapanatili ang kapayapaan sa mga barangay. Matagal na umanong mithi ng mga mamamayang mamuhay ng payapa sa kanilang mga tahanan. Sa ganitong pagkakataon, magkakaroon pa rin ng maayos na kapaligiran upang makapag-usap ang magkabilang-panig.

Inirekomenda rin nila na ituloy ng mga kawal ng pamahalaan ang kampanya nito upang ipagtanggol ang mga mamamayan sa panganib at terorismo. Nauunawaan umano ng panig ng pamahalaan na ang mga nagaganap sa iba't ibang bahagi ng bansa ay mananatiling masalimuot kung walang gabay at mga alituntunin na inaasahan sa bilateral ceasefire.

Umaasa pa rin si Secretary Dureza na magpapatuloy ang paghahanap ng kapayapaan at magwakas na ang paglalaban ng mga kapwa Filipino sa madaling panahon.

Hindi madali ang pagtahak sa daan ng kapayapaan subalit ang mahalaga ay huwag mawala sa direksyon, dagdag pa ni Secretary Dureza.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>