Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-25 ng Pebrero 2017, ni Ali Akbar Salehi, Puno ng Atomic Energy Organization ng Iran, na nilagdaan ng bansang ito at Rusya ang roadmap hinggil sa magkasamang pagpoprodyuse ng nuclear fuel.
Sinabi ni Salehi, na narating ng Iran at Rusya ang naturang roadmap, pagkaraan ng ilang round ng pagsasanggunian. Ayon sa dokumentong ito, sa loob ng darating na tatlong taon, aangkatin ng Iran ang 950 yellow cake mula sa Rusya, sa pamamagitan ng tatlong pangkat.
Ang yellow cake ay isang hilaw na materyal ng nuclear industry. Hindi itong magagamit sa nuclear reactor. Pero sa pamamagitan nito, puwedeng gawin ang enriched uranium bilang nuclear fuel.
Salin: Liu Kai